Alyansa

Alyansa para sa Bagong Pilipinas masyadong malakas, kalaban ninerbyos na

Chona Yu Feb 22, 2025
24 Views

KINAKABAHAN na ang mga kalabang kandidatong senador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa campaign rally sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi nito na masyadong malakas ang ticket ng alyansa.

“Naririnig ko ang mga katunggali, ninerbiyos na sila. Ako man kung ako ang tumatakbong senador at wala ako sa grupo na ito ay ninerbyusin din ako. Mahirap ng laban ito, masyadong magagaling ang katapat ko at masyadong nagmamahal sa Pilipinas,” ani Pangulong Marcos.

Muling ibinida ng Pangulo ang mga kandidato ng administrasyon sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya.

Mula sa Dumaguete City sa Negros Oriental ay tumawid ang grupo sa Negros Occidental.

“Ang bigat naman ng grupong ito,” sabi pa ni Marcos.