Suspek

Pinaghihinalaang nagnakaw nasakote

17 Views

CAMP MIGUEL Malvar, Batangas City–Isang suspek sa pagnanakaw sa San Antonio Heights Subdivision, Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas ang nahuli sa Soledad Park, Brgy. Darasa, Tanauan City, noong Miyerkules.

Biktima sa nakawan si alyas Carlota, 52, na sinasabing nanakawan ng malaking halaga bandang alas-2:35 ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si alyas Froilan, 52, ng Soledad Park, Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

Nahuli ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage na nakuha sa lugar ng insidente.

Nabawi sa suspek ang ninakaw na pera, Colt MKIV Series 80 na baril at ang ginamit na sasakyan.

Nasa kustodiya na ng Sto. Tomas City police ang suspek at nahaharap sa mga kasong robbery at illegal possession of firearms.

“Pinasasalamatan ko ang operating unit sa mabilis na pagtugon sa insidenteng ito,” sabi ni P/Col. Jacinto Malinao, hepe ng Batangas police.