Calendar

Ruiz nanumpa na bilang bagong hepe ng PCO
NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mamamahayag na si Jay Ruiz bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) kapalit ng nag-resign na si Cesar Chavez.
Ayon kay Ruiz, utos ni Pangulong Marcos, iparating sa taong bayan ang mga programa ng gobyerno.
Pinatutukan ni Pangulong Marcos na maipaabot ang tamang impormasyon sa mamamayan para hindi maligaw sa katotohanan at labanan ang disinformation.
“Labanan ang mga fake news, lalong lalo na ang kasinungalingan na wala namang facts,” pahayag ni Ruiz.
“Bawal ang sinungaling,” dagdag ni Ruiz.
Para labanan ito, sinabi ni Ruiz na magsasagawa ang PCO ng public information responsibilities.
“Kayo na mga vloggers, kinakailangan natin ang responsabilidad sa tao na magsabi ng katotohanan,” pahayag ni Ruiz.
Bukod kay Ruiz nanumpa rin sa puwesto si Attorney Claire Castro bilang PCO Undersecretary at Palace Press Officer.
Si Castro ang sasagot sa mga tanong ng media kaugnay sa mga isyu, polisiya, programa at mga accomplishments ng administrasyon.