PhilHealth

Malakanyang tatalima sa desisyon ng SC sa paglipat ng pondo ng Philhealth

Chona Yu Mar 1, 2025
18 Views

TINIYAK ng Palasyo ng Malakanyang na tatalima ang kanilang hanay sa magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa paglilipat ng sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa national treasury.

Inilpat ang pondo sa national treasure para pondohan ang mga prayoridad na proyekto at programa ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hinihintay ng gobyerno ang pinal na desisyon mula sa Korte Suprema.

Giit ni Castro na kung sasabihin ng Korte Suprema na dapat ibalik ang subsidy mula sa gobyerno, tutuparin nila ito at susunod sa anumang sasabihin ng Korte Suprema.

Dahil dito kaya nanawagan si Castro sa publiko na hintayin ang desisyon tungkol sa “zero subsidy” para sa ahensiya ng pambansang kalusugan.

“Pakinggan na lang po muna natin kung ano po ang magiging desisyon ng Supreme Court,” pahayag ni Castro.