Chinese

BI tiniklo 5 Chinese na sangkot sa ilegal na pagmimina

Jun I Legaspi Mar 2, 2025
20 Views

LIMANG Chinese nationals ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa iligal na pagmimina sa Isabela noong Pebrero 27.

Ang mga suspek na sina Xue Xianrong, Xingyue Qiu, Zeng Shuiying, Zhang Huaping at Xue Junfeng naresto habang nagtatrabaho sa minahan sa Brgy. Caguilingan, Cordon, Isabela.

Ang operasyon isinagawa makaraang matuklasan na ang mga indibidwal nagtatrabaho ng walang permiso o visa.

Sa inspeksyon, hindi nakapagpakita ang mga banyaga ng dokumento mula sa Immigration kundi mga digital na kopya lamang ng kanilang mga pasaporte na nasa mobile phone.

Ang karagdagang beripikasyon nagpatunay na wala silang tamang visa na kinakailangan para sa pagtatrabaho sa bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang matibay na posisyon ng ahensya laban sa mga ilegal na banyagang manggagawa, partikular na ang mga nagsasagawa ng mga unregulated industries tulad ng pagmimina.

Ang lima inilipat sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig, kung saan sila mananatili habang hinihintay ang proseso ng deportasyon.