Batangas

2-week police training sa Batangas tapos na

18 Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas–Tapos na ang halos dalawang linggong police intervention training ng Batangas police na dinaluhan ng 105 police-trainees na nagsimula noong Pebrero 17.

Si P/Lt. Col. Constancio Malaluan Jr., deputy director ng administrasyon, ang nanguna sa seremonya.

Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang kasanayan sa pistol at rifle maneuvering, arresting procedure, weapon retention at police response sa mga suspek na may mga kutsilyo at bolo.

“Habang tinatapos ninyo ang pagsasanay na ito, dalhin ninyo ang kaalaman at kasanayang inyong natutunan.

Sa bawat pagsasanay na iyong ginawa, ang iyong pagsisikap at mga pagsusumikap nagbunga sa sandaling ito,” sabi ng colonel.

“Gusto ko ang mga pulis Batangueño maging handa at ligtas sa lahat ng oras habang nasa tungkulin,” sabi ni Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr.