PCO

Just resign, walang personalan–PCO chief sa lahat ng presidential appointees

Chona Yu Mar 3, 2025
18 Views

WALANG personalan.”

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Office Acting Secretary Jay Ruiz matapos ipag-utos ang mass resignation ng lahat ng presidential appointees na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.

“Usually ganoon naman talaga considering all presidential appointees here di ba… para lang kumbaga siyempre free hand sa pagpili ng ating mga kasama.

Mahirap din po kasi siyempre dapat pagkakatiwalaan mo kasi kung ‘di mo kasama, ‘di mo naman sila kakilala, of course, as secretary dapat dalhin mo rin ‘yung sarili mong tao,” pahayag ni Ruiz.

“Sa akin lang siyempre, walang personalan, marami po kasing tatamaan… maraming posibleng tamaan… siyempre i-aassess natin kung ano ‘yung ginawa nila, ng bawat opisina, proper evaluation,” dagdag ni Ruiz.

Ayon kay Ruiz, maaring abutin ng dalawa o tatlong ang assessment.

Una rito, naglabas ng memorandum si Executive Secretary Lucas Bersamin na nag-aatas sa lahat ng presidential apppintees na nasa tanggapan ng PCO at mga attached agencies na maghain ng courtesy resignation para mabigyan ng pagkakataon si Ruiz na makapamili ng mga mapagkakagiwalaang tauhan.