Calendar

Resulta ng pre-election survey repleksiyon ng malakas na suporta ng mamamayan sa mga pambato ni PBBM
BINIGYANG DIIN ng tinaguriang “The people’s champ” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na ang resulta ng pe-election survey ay malinaw na indikasyon ng malakas na suporta ng mga Pilipino para sa lahat ng pambato ni President Bongbong R. Marcos, Jr.
Sabi ni Pacquiao na ipinapakita lamang ng survey result na malaki ang kumpiyansa ng sambayanang Pilipino sa labing-dalawang pambato ni Pangulong Marcos, Jr. na “bitbit” ang mga magagandang plata-porma at programa na isusulong nila sa Senado.
Muling ipinagdiinan ng dating Senador na sa tuwing haharap sila sa libo-libong mamamayan na dumadalo sa mga campaign rally ng Alyansa sa iba’t-ibang lalawigan. Hindi sila nagsa-sasayaw at kumakanta, bagkos. Inillatag nila ang kanilang mga programa, proyekto at isusulong na mga panukalang batas.
Ipinahayag pa ni Pacquiao na ang malaking tiwala na ipinakita ng mamamayan para sa APBP Senatorial candidates batay sa resulta ng survey ay isang repleksiyon din ng kanilang tiwala sa pamumuno ni Pangulong Marcos, Jr.
Ipinaliwanag ni Pacquiao na impresibo ang record ni PBBM sa mamamayan alinsunod sa magandang performance na ipinpakita at ginagawa nito. Kaya kung sinoman ang iendorso nitong kandidato ay tiyak na susuportahan ng mayorya ng mga Pilipino.
Dahil dito, naniniwala si Pacquiao na bagama’t nangunguna sa survey ang tinaguriang powerhouse Senatorial slate ng administrasyon. Kinakailangan aniya na mas lalo pa nilang sipagan ang kanilang pangangampanya at panunuyo sa mga botante.
Sinabi naman ng campaign manager ng APBP na si Navotas City Lone Dist. Rep. Toby Tiangco na ang resulta ng pinakahuling pre-election survey ay repleksiyon ng malakas na kumpiyansa at tiwala ng publiko sa labing-dalawang pambato ni Pangulong Marcos, Jr.