Ortega La Union Rep. Paolo Ortega V

Kamara suportado ang kampanya ng Marcos admin laban sa fake news

Mar Rodriguez Mar 4, 2025
22 Views
Roman
Bataan Rep. Geraldine Roman

NAKIKIISA ang dalawang pinuno ng Kamara de Representantes sa kampanya kontra fake news, disinformation at misinformation ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi nina House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union at Bataan Rep. Geraldine Roman, chairperson ng House committee on women and gender equality, matapos magbigay ng babala ang Pangulo sa mga gumagawa ng fake news.

“No one is safe from fake news. Lahat tayo potential victim niyan,” ayon kay Ortega sa ginanap na news conference.

Dagdag naman ni Roman, “May I add, fake news doesn’t only affect us politicians. Baka akalain niyo kami lang ang umaangal, nabibiktima ng fake news. It affects all Filipinos—women, especially mga minors, the youth, the future generations.”

Ito ang pahayag ng dalawang kongresista kaugnay ng pinakabagong vlog ni Pangulong Marcos Jr. noong Linggo, kung saan nagbabala ito sa publiko sa mabilis na pagkalat ng disinformation at misinformation habang papalapit ang halalan sa Mayo 12.

Ayon kay Ortega, matagal nang nagsasagawa ng “fact checking” ang Pangulo sa kanyang mga vlog, simula pa noong tumakbo siya bilang bise presidente at pangulo.

“Even when he was campaigning for vice president, pati noong tumatakbo siyang president, hanggang ngayon, talagang sa mga vlog niya may mga fact-checking siya na ginagawa. Halos every two days siya nagba-vlog dati,” saad nito.

Dagdag pa niya, “May fact-checking na pong ganyan, and ‘yun nga very clear po ‘yung stand natin kasi we are all potential victims of fake news not only us politicians, public servants…Pero ang maganda po is aware naman po ‘yung tao talaga…alam po nilang mag-discern, kung ano po ‘yung fake news at saka ‘yung katotohanan.”

Iminungkahi ni Ortega na dapat magsimula ang kampanya laban sa fake news sa antas ng elementarya.

“I think the campaign should start in the grassroots level kahit na mga bata pa kasi kahit grade school level, kahit sa school level, sa government, sa offices. It should start there already. As early as siguro, ‘yun nga, grassroots, grade school level. Kasi nagkakaroon ng issues of mental health, bullying ‘yung mga ganyan,” aniya.

Samantala, iginiit ni Roman na ang fake news ay sadyang nililikha “with a malicious intent, to distort reality, to distort the truth.”

“If you raise a generation that believes a lie, a falsehood, how can you create a stable future for our country?” tanong niya.

“So importante dito ang critical thinking. Si President Bongbong Marcos is a padre de familia. I’m sure, of course, his children are grown up. I guess he must have taught them already, sina Cong. Sandro (Marcos) too, to practice critical thinking, maging mapanuri.”

Sa kanyang vlog noong Linggo, hinimok muli ni Pangulong Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging mapanuri sa pagtanggap ng impormasyon, lalo na mula sa social media.

“Intrigues and mudslinging come hand in hand with campaigns and fake news is everywhere. That’s why, our citizens must be careful,” pahayag ng Pangulo.

“As we said, the new Filipinos know how to distinguish between right and wrong information. So, now that fake news and disinformation are widespread, we should be extra careful about what we read online,” dagdag niya.

Isa sa mga bagay na pinaka-enjoy umano ng Pangulo sa pagsama sa kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial ticket ay ang pagkakataong makipag-ugnayan nang personal sa mga tao.

“They are real people, real Filipinos, they are not keyboard warriors, trolls—they are real people. We shook hands, talked and checking on them,” aniya.

Nagbabala rin ang Pangulo na “whether it’s campaign season or not, fake news will always be there.”