Calendar

Rigodon sa PTV 4 kasado na
TINANGGAP na ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Jay Ruiz ang courtesy resignation ni Toby Nebrida bilang general manager ng state-run television network People’s Television Network (PTV).
Ayon kay Ruiz, papalit kay Nebrida si Oscar Orbos bilang officer-in-charge ng PTV.
Ayon kay Ruiz, papalitan si Nebrida dahil sa reklamo ng mga empleyado ng PTV.
Si Orbos ay nagsilbing executive secretary at transportation at communications secretary noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino mula 1990 hanggang 1991.
Nagsilbi rin ang 74 anyos si Orbos bilang congressman ng Pangasinan noong 1987 hanggang 1990.
Naging kilala rin si Orbos bilang co-host sa “Debate with Mare at Pare” sa GMA 7 kasama ang batikang ekonomista na si Solita “Mareng Winnie” Monsod.