Calendar

Rep. Tulfo nagpasalamatsa Diyos, Comelec, supporters sa pagkabasura ng DQ petition vs kanya
TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Deputy Majority Leader, Congressman Erwin Tulfo Una, sa Poong Maykapal pangalawa sa 1st Division ng Commission on Elections (Comelec) makaraang ibasura ang petisyon laban kanyang kandidatura sa senatorial race sa Mayo.
Ang pagkakadismiss ng kaso kay Cong.Tulfo ay dahil hindi pagsunod ng petitioner sa mga kinakailangang rekisito ng COMELEC ay patunay ng integridad ng ating halalan at ng kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso.
Sa isang pahinang opisyal na pahayag ni Cong. Tulfo, sinabi nito na buo ang kanyang tiwala at naninindigan sa kalayaan at pagiging patas ng COMELEC.
Aniya, ang desisyong ito ay nagpapatunay sa matibay na paninindigan ng Komisyon sa katarungan at sa pagpapanatili ng kredibilidad ng ating
demokratikong institusyon.
Sinabi ni Cong.Tulfo, bilang lingkod-bayan, nananatili siyang tapat sa tungkulin na maglingkod nang may integridad, katapatan, at pagsunod sa batas.
Aniya, ang desisyong ng COMELEC ay nagbibigay-daan upang lalo maituon ang kanyang oras at pagsisikap sa paglilingkod sa ating mga kababayan at sa pagsusulong ng kanilang kapakanan sa Kongreso.
“Muli, lubos akong nagpapasalamat sa COMELEC sa kanilang pagsisikap at pagiging patas sa paghawak ng kasong ito. Salamat din sa aking mga taga-suporta sa inyong patuloy na tiwala, suporta at pagmamahal sa akin,” sabi pa ni Cong.Tulfo.