Romero

Pagtataas sa minimum wage ng mga manggagawa sa private sector magbibigay ng malaking benepisyo – Romero

Mar Rodriguez Mar 5, 2025
27 Views

POSITIBO si 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na ang ipinapanukalang pagtataas sa “minimum wage” ng mga manggagawa sa pribadong sektor ay inaasang magdudulot ng malaking benepisyo para sa iba’t-ibang industriya sa bansa.

Sinabi ni Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na bilang isang negosyante nauunawaan nito ang kalagayan at hinanaing ng mga manggagawa kung saan kailangang magkaroon ng inisyatiba na parehong makikinabang ang may-ari ng isang kompanya at patin narin ang kanilang mga manggagawa.

Ikinatuwiran ni Romero na ang isa sa mga magpapataas sa moral ng isang manggagawa ay ang pagbibigay sa kanila ng nararapat na sahod at benepisyo na katumbas ng kanilang malaking sakripisyo at pagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan nila.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na kapag isang manggagawa ay “motivated”, mas lalo pa nitong pagbubutihin ang kaniyang pagta-trabaho kumpara sa isang manggagawa na tinitipid ng kaniyang amo kaya hindi aniya ito ganadong magtrabaho ng maayos.

“Ako naman, all the benefits that I can give kailangan. Because I came from the port industry, I know the qualms ng labor. So, I’m really pro-labor. Whatever can help them because they help you also. Kapag ang isang manggagawa ay motivated, ganado silang magtrabaho,” sabi nito.

Binigyang diin pa ni Romero na kailangang maglatag ng mga inisyatiba ang isang kompanya para sa kanilang manggagawa sa pamamagitan ng mga insentibo, benepisyo at maayos na pasuweldo sapagkat kapag mataas ang moral ng kanilang manggagawa ay malaki din ang kaniyang magiging kontribusyon sa kompanya.

“The more I boost their moral using productivity or using incentives as a way of increasing productivity. The more nakakatulong sila sa akin, kapag binabarat mo ang iyong manggagawa bababa ang kanilang productivity kasi wala silang ganang magtrabaho.