Just In

Calendar

March 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

PBBM patuloy na palalakasin, gagawing moderno ang AFP

Chona Yu Mar 5, 2025
20 Views

BINIGYANG diin ng Palasyo ng Malakanyang ang pangangailangan na palakasin at gawing moderno ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay para maihanda ang Pilipinas na i-depensa ang sarili at hindi umasa sa mga kaalyadong bansa.

Tugon ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng pagsuspinde ng Amerika sa military aid sa Ukraine na pingangambahang baka gawin din sa Pilipinas.

Ayon kay Castro, mas makabubuting palaging handa ang bansa sa anumang posibilidad, kaya kailangan talagang maipagpatuloy ang modernization program sa AFP.

Sa kabila nito, sinabi ni Castro na maiging ang Department of Foreign Affairs na ang tumugon sa isyu ng pagpapalit ng polisiya o patakaran ng Amerika hinggil sa kanilang military aid.

Mas maipaliliwanag aniya ng DFA ang posisyon ng Pilipinas hinggil dito.