Calendar

BI chief sinuspinde BI agents sa pagtakas ng Korean fugitive
IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado ang preventive suspension ng lahat ng mga tauhan ng BI na sangkot sa pagtakas ng isang high profile na Koreanong pugante.
“This is a direct and undeniable breach of duty. Walang palusot, walang sisihan-lahat ng sangkot mananagot. We will not tolerate negligence, corruption, or collusion within our ranks,” pahayag ni Viado.
Tiniyak ng opisyal na susugpuin ang mga rogue immigration officers, kasabay ng babala na “heads will roll” kung mapatunayang sangkot sila sa patuloy na imbestigasyon.
“This is a turning point for the Bureau. Hindi na pwede ’yung nakagawian ng kalokohan. Those who think they can get away with this should think again,” sabi ni Viado.
Iniutos din ng pinuno ng BI ang pagkakaroon ng internal audit sa lahat ng mga tauhan na nakatalaga sa mga high-risk na deportation at detention cases, upang matiyak na may mga safeguards na nakalagay upang maiwasan ang mga susunod na breach.
“The days illicit deals and under-the-table transactions in the Bureau are numbered. We are cleaning house—and this is just the beginning,” pangako ni Viado.