CAAP

Mga pasahero dapat cool, hydrated–CAAP

Jun I Legaspi Mar 6, 2025
24 Views

PINAYUHAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng mga pasahero na manatiling cool at hydrated habang patuloy na tumataas ang temperatura dahil sa tag-init.

Ayon sa limang araw na assessment ng heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), tumaas na ang temperatura sa ilang mga lokasyon ng paliparan mula 42 hanggang 45 degrees Celsius.

Kasama sa mga apektadong lugar ang Tuguegarao City, Cagayan, Isabela, Virac at Masbate.

Ngayong tag-init, kasabay ng inaasahang pagdami ng mga nagbabakasyong manlalakbay, hinihikayat ang mga indibidwal na maghanda para sa mas mataas na temperatura.

Tiniyak ng CAAP na nagpapatupad sila ng mga hakbang upang higit pang mapabuti ang kaginhawaan at kalusugan ng mga pasahero sa panahon ng mainit na panahon.

Dagdag pa rito, nananatiling available ang Malasakit Help Desk upang magbigay-tulong sa mga naglalakbay na pasahero.

“We are coordinating with our Area Managers for regular airport monitoring as directed by Secretary Vince Dizon.

They are mandated to provide assistance to passengers, especially at airports experiencing the highest temperatures,” sabi ni CAAP Director General Raul del Rosario.

Ang CAAP nakatuon sa pagpapanatili ng mga pamantayan ng kaligtasan upang tiyakin ang kapakanan ng lahat ng mga pasahero at kawani.