Calendar
Pag-aalis ng cash transactions sa mga toll gates pinapurihan ni Tolentino
PINAPURIHAN ni Senate Majority Leader at Alyansa para sa Bagong Pilipinas re-electionist Senator Francis “Tol” Tolentino ang naging hakbang ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon patungkol sa pag-aalis ng cash transaction sa mga toll gates.
Iminumungkahi rin ni Tolentino kay Transportation Sec. Vince Dizon ang pagpapalabas ng suspensiyon sa napipintong toll hike na inaapela din nito sa Toll Regulatory Board (TRB).
Samantala, personal na binisita ni Tolentino ang libo-libong residente na nasunugan sa Gonzales Compound, Sitio Pulo, Barangay Dela Paz Binan, Laguna upang magpa-abot ng kaniyang tulong para sa mga pamilyang nawalan ng kanilang matitirhan dulot ng malaking sunog.
Nag-abot ng tulong ang senador sa libo-libong apektadong pamilya sa pamamagitan ng ibinigay nitong pagkain, mga damit, toiletries at iba pang mga kagamitan para sa mga biktima ng sunog.
Nauna rito ay nagsagawa ng motorcade si Tolentino sa Muntinlupa City patungo sa iba’t-ibang lungsod sa Laguna. Subalit nang malaman nito ang naging kaganapan kaugnay sa sunog ay agad nitong tinungo ang lugar kung saan naroroon ang mga apektadong pamilya.