Villar

Mahalagang papel ng youth sector binigyang diin ni Villar

Mar Rodriguez Mar 6, 2025
15 Views

Villar1Villar2Villar3Villar4BINIGYANG DIIN ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar ang mahalagang papel ng mga kabataan partikular na sa kanilang pakikilahok sa mga aktibidades ng kanilang barangay.

Sa kaniyang pakikipag-diyalogo sa mga miyembro ng Liga ng mga Barangay sa Romblon, muling tiniyak ni Villar ang kaniyang pangako na isusulong nito ang mga mahahalagang panukala na magpapaunlad sa pamumuhay ng mga barangay workers.

Sabi ni Villar na isa sa mga naiisip nitong programa na nais niyang isulong sakaling siya ay papalarin ay ang pagkakaroon ng karagdagang benepisyo para sa mga barangay workers pati na rin ang mga health workers bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo.

Ipinahayag ni Villar ang mahalagang papel ng mga barangay leaders kabilang na ang youth sector sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan (SK) para tiyakin na nakakarating ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mahihirap sa kanilang lugar.

“I can feel the daily challenges you face everyday. You are my inspiration, this is why I strive to work harder to serve the public the best way is to can. Sisikapin po natin na kayo ay aking matulungan,” wika ni Villar sa harap ng mga lider ng Barangay sa Romblon.

Samantala, nakilahok naman si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, sa ginanap na 2025 Comprehensive Provincial Congress na ginanap sa Waterfront Hote, Cebu City.

Ayon kay Madrona, ang tema ng naturang forum ay “Charting the Future Together” kung saan nakasama ang kanilang lalawigan (Romblon) sa mga lumahok na naglalayong i-promote ang isang epektibo at sustainable governance habang dumalo din ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas – Romblon Chapter.

“The primary objective of the congress was to promote effective and sustainable governance, ensuring the decision making processes are efficient, and enduring for the benefit of society,” sabi ni Madrona.