Calendar

DA ni-lift import ban vs French poultry products
BINAWI na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa importasyon ng domestic at wild birds gayundin ang mga poultry products mula sa France.
Sa memorandum order no. 13 na inilabas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., iniutos niya na alisin na ang import ban matapos ilabas ang official report ng French veterinary authorities sa World Organization for Animal Health (WOAH) na lahat ng kaso ng HPAI tapos na at wala nang dagdag na pagkalat ng sakit pagkatapos ng Peb. 4, 2025.
Dahil sa pagkalat ng Avian Influenza sa France noong nakalipas na taon, naghigpit sa pagpasok ng mga poultry import, kabilang na ang poultry meat, day-old na mga sisiw, itlog at semilya ang DA.
Dahil inalis na ang ban sa importasyon, inaasahang luluwag na ang tension sa kalakalan at suporta sa poultry industry na matinding nakaapekto dahil sa paghihigpit.
Binigyang-diin ng DA na magpapatuloy ang monitoring sa lahat ng papasok na shipment, na may kasamang mahigpit na quarantine protocols upang masigurong hindi makompromiso ang biosecurity ng bansa.