Calendar

PH kulang ng halos 28,000 pharmacist
KULANG ng 28,000 na rehistradong pharmacist sa bansa.
Ayon sa ulat ng Private Sector Advisory Council (PASC), bukod sa kulang sa pharmacist, kulang din ang mga botika sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, agad na isinulong ng PSAC ang mga reporma sa polisiya at mga estratehikong hakbang upang mapalakas ang accessibility at katatagan ng healthcare system ng bansa.
Patuloy na pinag-aaralan ng gobyerno at pribadong sektor ang mga hakbang upang matugunan ang kakulangan na ito at matiyak ang mas epektibong serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.
Suportado ng PSAC ang pagkakaroon ng mas madaling access sa essential medicines, pagpapalawak sa community pharmacies, at pagkuha ng dagdag na pharmacists sa bansa.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PSAC sa PhilHealth para mapalawak pa ang benefit packages, ma-upgrade ang IT systems, mapaganda ang financial transparency at iba pa.
Pangako ng PSAC, paiigtingin pa ang public–private partnerships para mapaganda ang healthcare sa bansa.