Vico1

Pagtawag ni Mayor Vico kay ex-Pangulo na dictador binatikos ng PBBM supporters

32 Views

BINATIKOS ng mga taga-suporta ni ng Marcos administration si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagtawag umano nito kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang isang “diktador.”

Tinukoy ng mga supporter ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga post noon ni Sotto sa dating Twitter na ngayon ay “X” kung saan nananawagan ito na ihinto ang historical revisionism.

Kalakip ng post ang larawan na may nakasulat na “Marcos Diktador ‘Di Bayani”.

Si Sotto ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague para harapin ang kaniyang kasong may kinalaman sa crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa mga taga-suporta ni PBBM, taong 2016 pa nang magsimulang mag-post umano sa Twitter si Sotto ng “anti-Marcos post”.

Ito ay noong kasagsagan ng mga panawagan ng pagtutol sa paglilibing kay Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Nauna nang pinuna ng marami ang ginawa ni Sotto noong bumisita sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Pasig City para sa turnover ng mga ambulansya at financial support sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa mga nakapuna, halos lahat ng Kapitan ng barangay ay lumahok sa team-building activities sa mismong petsa ng pagdating ng pangulo at Unang Ginang.