Duterte1 Source: GMA News

Digong nasa maayos na kalagayan sa loob ng kulungan sa The Netherlands

Chona Yu Mar 14, 2025
35 Views

NASA maayos na kalagayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sumailalim sa medical checkup si Duterte habang nasa Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison sa The Netherlands.

Nakakulong ngayon si Duterte dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa pahayag ng Philippine Embassy sa The Netherlands, hiniling ni Duterte na makausap ang isang consular officer ng embahada.

Ayon sa Philippine Embassy, bandang 3:41 p.m., oras sa The Netherlands o 10:41 p.m., oras sa Pilipinas nang makatanggap ng tawag ang embahada mula sa ICC Detention Officer para ipaabot ang hiling ni Duterte na makausap ang isang consular officer.

“During the call, the former President conveyed, among others, that he underwent medical checkup and has received medical care and that he is generally fine,” bahagi ng statement ng embahada.

Gumawa na rin ng request ang embahada sa Registry of the ICC para ayusin ang “Consular Visit” kay Duterte sa lalong madaling panahon lalot hiniling ng dating lider na mabisita ng kanyang legal counsel at pamilya.

Sinabi pa ng embahada na tinawagan na ni Duterte at nakausap si dating Executive Secretary Salvador Medialdea na tumatayong isa sa kanyang mga legal counsel.