Tulfo1

Patuloy na numero sa pagka-senador si Erwin Tulfo

25 Views

PATULOY na numero uno sa pagka-senador si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial survey.

Ayon sa Tugon Ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang nangungunang kandidato para sa Senado, na may 100% na awareness at 66% na voting preference.

Ang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development ay patuloy sa pag-arangkada bilang top choice ng mga Pilipino. Patunay rito ang pananatili niya sa mataas na ranggo sa iba pang mga kamakailang survey mula sa mga kilalang ahensya tulad ng Social Weather Stations (SWS), WR Numero, Pulse Asia, at iba pa.

Nagpasalamat si Tulfo sa pag-agos ng suporta para sa kanya at sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang mga adbokasiya para sa pagpapabuti ng bansa.

“Ang patuloy na suporta at pagmamahal ng ating mga kababayan sa atin at sa ating mga adbokasiya ay nagsisilbing lakas ko upang magpatuloy sa pagtatrabaho sa Kongreso bilang kakampi ng mga inaapi,” pahayag ng mambabatas.

Ang pinakahuling OCTA Survey ay isinagawa sa 1,200 na mga respondents kung saan pinagbigay sila ng 12 kandidato na kanilang iboboto kung gaganapin ang eleksyon sa panahon ng survey.