Calendar

Makabuluhang serbisyo hiling nga taga-Pasig
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang mga residente sa Pasig City dahil sa mistulang pagpapabaya umano sa local hospital sa lungsod.
Maliban sa napabayaang ospital, inihayag djn ng mga residente ang pagladismaya sa napabayaang daycare center sa bahagi ng Southville na dapat ay nagkakaloob ng libreng serbisyo.
Ayon sa Pasig Laban Page Group, ngayong palapit na ang eleksyon, kabilang ang health care services sa muling ipinapangako ng alkalde na tututukan at pagbubuthin.
Naniniwala ang nasabing grupo na dapat mapagtanto ng mga residente ng lungsod ang totoong estado ng pamamahala sa syudad sa nakalipas na anim na taon.
Marami din aniya sa mga residente ang humihiling ng praktikal na serbisyo na totoong pakikinabangan ng disadvantaged na mga pamilya.
Sa nakalipas kasi na anim na taon, wala umanong naging pagbabago at sa halip ay napabayaan lamang ang mga mahihirap pagdating sa medical services, edukasyon, housing, employment at iba pang importanteng serbisyo.
Hangad ng mayorya ng mga taga Pasig ang makabuluhang pamamahala at liderato na kayang tumupad sa mga pangakong proyekto kabilang ang pagkakaroon state-of-the-art hospital, libreng gamot, tulong pinansyal sa mga seniors at persons with disabilities, libreng school supplies sa lahat ng mag-aaral at housing projects.