Rep. Madrona

PBBM pinuri, pinasalamatan ni Madrona dahil sa EO No. 84

Mar Rodriguez Mar 18, 2025
21 Views

Rep. Madrona 
PINAPURIHAN at pinasalamatan ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa pagpapalabas nito ng Executive Order (EO) No. 84 upang itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo.

Ayon kay Madrona, malaki ang maitutulong ng EO No. 84 na inilabas ni Pangulong Marcos, Jr. para maipatupad ang desisyon ng Kamara de Representantes upang itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo sa P350 kada araw mula sa dating P150.

Sabi ni Madrona na “deserve” ng mga sundalo ang increase sa kanilang subsistence allowance dahil sa kanilang “buwis-buhay” na tungkulin para pangalagaan ang katahimikan at seguridad ng bansa dahil narin sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon.

Paliwanag pa ng kongresista na kung tutuusin aniya ay maliit lamang itong halaga kumpara sa napakalaking sakripisyo ng mga sundalo para panindigan ang kanilang commitment para sa bansa.

Dagdag pa ni Madrona na ang pagtataas ng allowance ay inaprubahan ni Pangulong Marcos, Jr. na popondohan sa ilalim ng 2025 General Appropriation Act (GAA).

Samantala, nag-courtesy call sa district office ni Madrona sa Bachawan, San Agustin Romblon ang Regional Highway Patrol Unit-MIMAROPA sa pangunguna ng Hepe nito na si P-Col. Annie Udang Mangelen upang mas lalo pang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng RHPU-MIMAROPA at tanggapan ng kongresista.

Layunin din ng naganap na pagpupulong na matugunan ang “road safety” at ilang hamon na kinakaharap ng MIMAROPA region upang matiyak na magiging ligtas ang ilang kalsada sa Romblon.

Kasabay nito, isang grupo ng mga mag-aaral sa pangunguna ni Andrea B. Falcunit, Supreme Student Government (SSG) – Presidente ng Romblon State University (RSU) Laboratory Science High School, ay nagbigay ng “Certificate of Appreciation” para kay Madrona.

Nakasad sa Certificate of Appreciation ang mga katagang: “In grateful recognition for extending his quality time as our guest during RSU-LSHS Intramural and Cultural Meet 2024”.

To God be the Glory