Cambodia1 Sa unang larawan humingi ng tulong ang mga biktima kay Pangulong Marcos at sa NBI. Sa isa pang larawan, ipinakita ng mga biktima ang kanilang mga pasa dulot ng pambubugbog ng kanilang amo na Chinese.

NBI iniligtas 3 ginugulping Pinay sa Cambodia

Jon-jon Reyes Mar 18, 2025
23 Views

CambodiaNAIUWI ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Pilipina na humingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos at NBI Director Jaime Santiago, dahil sa pagmamaltrato sa kanila ng ilang Chinese sa isang scam hub sa Cambodia.

Tinugunan ng gobyerno ang daing ng tatlo kaya naiuwi sila sa Pilipinas.

Sa pahayag ng mga biktima, nagtungo sila sa Phnom Penh, Cambodia mula Dipolog City noong Enero 7, 2025.

Dinala sila sa isang compound na may ilang gusali at hindi pinapayagang lumabas ng kanilang Chinese boss.

Hinikayat silang magtrabaho bilang customer service rep ng isang Filipino HR ng isang casino company sa Cambodia at inalok ng sahod na $1,000.

Sa halip na CSR ang kanilang trabaho, inatasan silang i-scam ang mga matatandang banyaga sa pamamagitan ng cryptocurrency sa social media apps tulad ng Signal, Twitter at Instagram.

Ang ipinangakong sahod na $1,000 naging $300 na lamang.

Tinangkang lumipat ng kumpanya ang mga biktima ngunit nang malaman ng amo doon na sila sinasaktan ng ilang mga indibidwal na pawang Chinese.