India Sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo (kanan)at Indian Ministry of External Affairs Secretary (East) Jaideep Mazumdar

Relasyon ng PH, India nasa mataas na level na

Chona Yu Mar 18, 2025
17 Views

NAKIPAGPULONG si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Indian Ministry of External Affairs Secretary (East) Jaideep Mazumdar sa Pasay City.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura, imprastraktura, financing for development cooperation, defense, health and pharmaceuticals at turismo.

Sinabi ng dalawang opisyal na nasa mas mataas na lebel na ngayon ang bilateral relations ng Pilipinas at India.

Nagpahayag din ng pagsuporta si Manalo sa relasyon ng ASEAN at India.

Ang Pilipinas ang nagsisilbing ASEAN Country Coordinator ng ASEAN-India Dialogue relations mula 2024 hanggang 2027.

Si Secretary Mazumdar na nagsilbing Indian Ambassador to the Philippines mula 2017 hanggang 2020, ay nasa Manila para maging co-chair sa 27th ASEAN-India Senior Officials’ Meeting (AISOM).