Acidre Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

Hirit na asylum ni Roque pagtatangkang tumakas

21 Views

Sa pananagutan sa POGO, human trafficking – Chairman Acidre

KINONDENA ni House committee on overseas workers affairs chairman Jude Acidre ng Tingog Party-list ang hirit ni dating presidential spokesperson Harry Roque na asylum sa Netherlands, na isa umanong pagtatangka na matakasan ang kanyang pananagutan kaugnay ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) at mga krimen na nakapaloob dito gaya ng human trafficking.

“Roque’s asylum bid is nothing more than a cowardly maneuver to escape the consequences of his actions,” ani Acidre, isang House Assistant Majority Leader. “He has been cited in contempt and ordered detained for his refusal to cooperate in our investigation into POGO-related criminal activities. Now, he wants to flee the country to avoid answering for his alleged role in a human trafficking scheme. If he has nothing to hide, why is he running?”

Ginawa ni Roque ang hakbang limang buwan matapos siyang ireklamo ng human trafficking, kasama ang dalawa pang iba, sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa reklamo, ginamit umano ni Roque ang kanyang posisyon at impluwensya upang protektahan at bigyang-daan ang mga sindikatong kriminal na nagpapatakbo ng offshore gambling hubs na sangkot sa mga krimen gaya ng human trafficking, cyber fraud at money laundering.

Binigyang-diin ni Acidre na lalo lamang lumalakas ang hinala sa mas malalim na pagkakasangkot ni Roque sa mga ilegal na operasyong ito dahil sa kanyang biglaang aplikasyon para sa asylum.

“This is not just about contempt in Congress anymore. Roque is now facing serious criminal charges that involve human trafficking—one of the gravest crimes under Philippine and international law,” ani Acidre. “His decision to seek refuge abroad is an obvious attempt to shield himself from prosecution and avoid being held accountable for his actions.”

Ang quad committee, na binubuo ng House committees on dangerous drugs, public order, public accounts at human rights, ay nagsagawa ng malawakang imbestigasyon sa laganap na kriminalidad na konektado sa mga POGO.

Nabunyag sa mga pagdinig ng mga mambabatas kung paano naging pugad ng organisadong krimen ang offshore gambling hubs, kabilang ang human trafficking, sapilitang paggawa, prostitusyon, cyber scams at maging mga sindikatong may kinalaman sa droga.

Si Roque, na naiuugnay sa mga kaduda-dudang transaksyon sa ilang POGO operators, ay ipinag-utos na ipiit ng Kamara matapos siyang paulit-ulit na tumangging makipagtulungan at sumagot sa mahahalagang tanong ukol sa kanyang umano’y koneksyon sa mga ilegal na aktibidad.

Hinikayat ni Acidre ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na makipag-ugnayan sa mga internasyonal na awtoridad upang mapigilan si Roque sa paggamit ng asylum bilang panangga laban sa prosekusyon.

“The law must take its course. We cannot allow individuals to exploit international legal mechanisms just to escape criminal liability,” wika pa ng kongresista. “Roque may attempt to run, but the long arm of the law will eventually catch up with him. We will ensure that he faces justice—whether here or abroad.”