Ibay Pinarangalan ni MPD Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay si MPD Press Corps President Jonjon Reyes, photojournalist ng People’s Journal, People’s Tonight at Taliba Online, bilang pasasalamat sa pagtulong sa MPD.

MPD pinarangalan People’s Tonight photojournalist Jonjon Reyes

Jon-jon Reyes Mar 19, 2025
22 Views

BINIGYAN ng Kaibigan Award ni Manila Police District (MPD) Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang ilang miyembro ng MPD Press Corps kasama si Jonjon Reyes, MPDPC president, ng People’s Tonight/Journal noong Lunes.

Pinarangalan ang mga newsman dahil sa mga naiambag at suporta sa mga hakbang ng pulis Maynila.

Binigyan din ng award sina Edd Gumban ng Philippine Star (Bise Presidente), Mike Alquinto ng Manila Times (Secretary), Jonas Sulit ng Abante (Chairman of the Board), Norman Araga ng Manila Standard (Director), Itoh Son ng Saksi Ngayon (Director) at Yancy Lim ng PNA (Director).

Kasama rin ang mga radio reporter at opisyal ng MPDPC na sina Jocelyn Tabangcura Domemden ng Remate (Auditor), Mike Rogas ng Radyo Pilipinas (Director) at Emman Mortega II ng DZXL News (Director).

Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, mananatili ang samahan ng pulis Maynila at mga mamamahayag ng MPD dahil sa pakikipagtulungan tungkol sa paglalathala ng totoong balita.

Nanawagan si Ibay sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga lumalabas na balita at maging alerto.