Martin Romualdez

NUP suportado si Romualdez bilang Speaker

201 Views

SUPORTADO n* National Unity Party (NUP) si reelected Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa paparating na 19th Congress.

Sa isang pahayag, sinabi ng NUP na kinikilala nito ang magandang pagtatrabaho na ipinakita ni Romualdez bilang Majority Leader ng papatapos na 18th Congress.

“In a consultation with the NUP Members of the House of Representatives it was unanimously agreed to endorse Rep. Romualdez as the Speaker for the coming Congress,” sabi ni NUP Spokesman Reginald Velasco.

Ayon kay Velasco walang tumutol sa mga miyembro ng NUP sa balakin na suportahan ang pagka-speaker nito.

Napatunayan din umano ni Romualdez na siya ay isang consensus builder na mahalaga para mapagsama-sama ang mga miyembro ng iba’t ibang partido na bumubuo sa Kamara de Representantes.

Ang NUP ang isa sa pinakamalaking partido politikal sa bansa.