Calendar

Mga parak pinaalalahanang maging tapat
KASABAY ng pagsasabi na naging Philippine National Police (PNP) na ang naging apelyido ng lahat ng pulis mula nang manumpa sila sa tungkulin, pinaalalahanan in PNP chief General Rommel Francisco Marbil ang kanyang mga tauhan
na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at pananagutan sa kanilang serbisyo para sa bayan.
“When we entered the service, our last name became our first name — and our last name is the Philippine National Police,” diin ni General Marbil.
Binigyang-diin ng chief PNP na kahit isang maling kilos ng isang pulis maaaring makasira sa reputasyon ng buong hanay at makapagpahina ng tiwala ng publiko.
Hinimok niya ang lahat ng miyembro ng PNP na pangalagaan ang dangal ng kanilang uniporme at itama ang kanilang mga kasamahan bago pa lumala ang mga pagkakamali.
Ipinadala ni Gen. Marbil ang kanyang mensahe kasunod ng pagkaka-relieve sa puwesto ng Eastern Police District (EPD) director at buong EPD District Special Operations Unit matapos ang alegasyon ng extortion at misconduct sa pag-aresto ng dalawang Chinese nationals sa Las Piñas City.
Habang papalapit ang May 12, 2025 National and Local Elections, muling pinaalalahanan ni Gen. Marbil ang lahat ng PNP personnel na manatiling apolitical at patas.
“Public office is a public trust. Panatilihin nating may tiwala ang taumbayan sa atin. Kapag lumabas sila ng bahay o natutulog sila sa gabi, maramdaman nila na ligtas sila,” ayon sa kanya.