Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
DBM

PGH may 1.2K bagong posisyon

Jon-jon Reyes Apr 8, 2025
47 Views

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang 1,200 na karagdagang posisiyon sa Philippine General Hospital, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na makapagbigay ng mahusay at mabilis na serbisyo, dagdag pa ng PCO.

Ito’y bilang tugon sa kahilingan ng PGH na palakasin ang organizational at manpower capacity ng hospital.

Inaasahang sa pamamagitan ng karagdagang posisyon ay mas marami pang Pilipinong nangangailangan ang mabibigyan ng maaasahan at de-kalidad na serbisyong medikal ng PGH.

Samantala, inaasahang makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang pagpasok ng Canadian Airlines sa bansa, ayon sa Department of Tourism.

Ang hakbang makakatulong para palaguin ang magandang cultural connection ng dalawang bansa habang tumutulong na palakasin ang ekonomiya.

Dahil dito, mas pinadali ang biyahe ng Vancover-Manila route at magbibigay ng malaking benepisyo sa turismo at negosyo ang bagong direktang biyahe ng Air Canada mula Vancover patungong Manila.