Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Semana1

Speaker Romualdez: Semana Santa paalala na ang katatagan ay natatamasa sa pamamagitan ng sakripisyo

38 Views

ANG Semana Santa ay paalala sa mga public servant para magsilbi sa publiko nag may katapatan, integridad, at compassion.

Paalala ito ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Palm Sunday.

Kasabay nito ay hinikayat ni Romualdez ang publiko na samantalahin ang Holy Week break para alalahanin ang buhay ni Hesukristo kabilang ang naging paghihirap nito at muling pagkabuhay.

Ayon kay Romualdez, ang pinagdaanan ni Hesus ay paalala na ang katatagan ay ay natatamasa sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, ang paghilom ay kasunod ng pagpapatawad at kung mayroong pananalig ay mayroong pag-asa.

Umaasa ang house speaker na ngayong Semana Santa ay magkaroon ng kapayapaan ang mga may pag-aalala, kalakasan ang may mga agam-agam at kaginhawaan ang mga nangangailangan.

Hangad ni Romualdez na bawat Filipino ay magkaroon ng makabuluhan, payapa, at puno ng biyaya na paggunita ng Semana Santa.