Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
DICT

Fake news lalaban ng DICT, Google

Jon-jon Reyes May 5, 2025
307 Views

DICT1ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang fake news, pinaigting ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at Google ang partnership para palawigin ang digital literacy sa ating bansa.

Sa ilalim ng partnership, palalakasin ng Google and Al-powered content detection at hihigpitan ang pagpapatupad ng YouTube community guidelines.

Ang DICT naman magtatayo ng rapid response channel para i-plug ang mga harmful at unlawful online content para masiguro ang accountability at mabilisang aksyon pagdating sa mga online content.

Ang inilatag na partnership ng DICT at Google Philippines gagamit ng AI tools mula sa Google para mabilis matukoy ang mga fake news, mas mahigpit na pagmo-monitor sa mga YouTube channel gamit ang community guidelines, mas maraming human moderators para masigurong ligtas at totoo ang mga mapapanood sa online platforms.

Samatala, ipinahayag ni PCO Usec Atty. Claire Castro ang pagpapaigting sa laban sa fake news bilang pagsusulong ng katotohanan at responsableng communication para sa responsableng digital Philippines.

Inilunsad din ang Philippine National Police (PNP) ang The War for Truth at ang Joint Anti Fake News Action Committee (JAFNAC) katuwang ang Presidential Communications Office (PCO) sa pangunguna ni Secretary Jay Ruiz.

Sinabi ni Secretary Ruiz na bubuo ng ahensiya ng Inter Agency Task Force para labanan ang online misinformation at disinformation.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, may tatlong uri ng kasinungalingan ngayon–ang misinformation, disinformation at malinformatio–na sumisira sa tiwala sa demokrasya.