Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Tulfo

Pinakabagong SWS survey: Erwin Tulfo consistent frontrunner sa Senado

47 Views

ILANG araw bago ang eleksyon sa Mayo 12, patuloy na nangunguna sa karera sa Senado si LAKAS-CMD Senatorial Candidate Erwin Tulfo ayon sa pinakabagong pre-election survey.

Pinatitibay nito ang kanyang matatag na estado bilang consistent frontrunner sa mga survey ng pangunahing polling firms sa bansa.

Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey na isinagawa mula Mayo 2 hanggang 6, nananatiling mataas ang momentum ni Tulfo na nagkamit ng 45% voting preference.

Kasunod ni Tulfo sina Christopher Go, Tito Sotto, Lito Lapid, at Ben Tulfo at k abilang rin sa mga nasa “winning circle” sina Ping Lacson, Abby Binay, Ronald Dela Rosa, Camille Villar, Pia Cayetano, Bong Revilla, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Willie Revillame, Benhur Abalos, at Bam Aquino.

Sa kabila ng mga isyung politikal sa bansa, nananatiling mataas ang ranggo ng kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa mga nakaraang Senate surveys ng WR Numero, OCTA Research, at Pulse Asia, na higit pang nagpapatatag sa kanyang posisyon bilang isang matibay na kandidato para sa Senado.

“Hindi lang basta numero ang mga resultang ito—ito ay sumasalamin sa matibay na suporta ng mga Pilipino hindi lamang para sa akin, kundi pati na rin sa mga adbokasiyang ipinaglalaban ko para sa mga Pilipino,” pahayag ni Tulfo.

Sa nalalabing araw ng kampanya, tiniyak ng mambabatas na ipagpapatuloy niya ang pangangampanya at lalong palalawakin pa ang pagpapaabot ng kanyang mensahe sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa mga pangunahing panukalang batas na isusulong ni Tulfo sakaling mahalal sa Senado ay ang Barangay Officials and Workers’ Compensation Act, Rice Tariffication Law Amendments, OFW Pension Act, Zero Hospital Billing for OFWs Act, at Institutionalization of Sustainable Livelihood Program, at iba pa.