Angeles

Tulfo, Frasco, Angping pasok sa Gabinete ni PBBM

247 Views

PASOK ang broadcaster na si Erwin Tulfo, Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, at dating Manila Rep. Zenaida Angping sa Gabinete ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Inanunsyo ito ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang pagharap sa media ngayong Lunes.

Si Tulfo ang magiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa kampo ni Marcos hindi na bago si Tulfo sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Si Frasco, anak ni Cebu Gov. Gwen Garcia ay magiging kalihim naman ng Department of Tourism (DOT).

Siya ay kasalukuyang spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte.

Si Angping naman ang itatalagang kalihim ng Presidential Management Staff (PMS).

Siya ay nagsilbi bilang kongresista ng Maynila ng tatlong termino. Dati rin itong technical assistant sa Office of the Governor ng Leyte at Executive assistant ni dating China, Saudi Arabia, at US Ambassador Benjamin Romualdez.