Suspek

Tsino, Koreano timbog nakorner sa drug entrapment sa Angeles City

19 Views

Suspek1ARESTADO ang isang Chinese national at Koreano noong Martes sa isang entrapment operation sa harap ng PRI Hospital sa Arayat Blvd., Bgy. Pampang, Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Acting director Col. Joselito Villarosa Jr. ang dalawang suspek na sina alyas Yong, 28, Chinese national; at alyas Sung, 38, Korean national, habang nakatakas naman sa pagkakaaresto ang target ng operasyon na kinilalang si alyas Boss.

Sinabi na police na ang dalawang dayuhan ay pansamantalang naninirahan sa isang apartment sa Bgy. Margot, Angeles City.

Ikinasa ng mga miyembro ng Angeles City Drug Enforcement Unit (Lead Unit), Police Station 2 (ACPO), at RIU3, PRO3 ang buy-bust laban sa mga suspek nakuhanan ng dalawang plastic sachet ng shabu na may timbang na limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng Angeles City police ang dalawang suspek.