Gomez Kinilala ni Police P/Lt. Col. Mike Gomez ang mga naarestong suspek kaugnay sa ipinagbabawal na gamot sa Baseco compound, Port Area, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

P734K na shabu nasamsam sa 2 drug suspek

Jon-jon Reyes May 20, 2025
24 Views

TIMBOG ang dalawang lalaki dahil sa 108 na gramo ng shabu na may halagang P734,400 sa buy-bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ng Baseco police ng Manila Police District sa Block 14, Brgy. 649, Baseco, Manila noong Lunes.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Saddam, 35; at Satrex, 34, ayon sa ulat ni Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng MPD Baseco police station 13.

Natiklo ang dalawa bandang alas-11:58 ng hatinggabi, ayon sa report.

Nahuli ang dalawa gamit ang buy-bust money kasama ang 39 na pirasong pekeng peso bill. Narekober sa kanila ang limang pekete ng droga.