BBM

PBBM pinuri sa Senado sa pagpapakumbaba

60 Views

ANG mapagkumbabang panawagan na ginawa ng Punong Ehekutibo tungo sa pagkakaisa at pag iisantabi ng pamumulitika ay isang kahanga hangang hakbangin para sa kapakanan ng taumbayan.

Ito ang binigyan diin ng pinuno ng senado kung saan ay buong suporta ang ibinigay ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagkakaisa ng bansa, kasabay ng panawagan sa mga pinuno na unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pulitika.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Escudero: “Sang-ayon ako sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na isantabi ang pulitika at ituon ang pansin sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.”

Iginiit niya na sa kabila ng patuloy na pagharap ng maraming Pilipino sa araw-araw na hirap sa buhay, may obligasyon ang mga lider na paglingkuran ang bayan sa halip na pagtuunan ng pansin ang hidwaang politikal.

Pinuri rin ni Escudero ang pagiging bukas ni Marcos sa damdamin ng publiko, lalo na sa konteksto ng naging resulta ng mga nakaraang halalan. Ayon sa kanya, ito ay malinaw na mensahe mula sa mga botante na sawang-sawa na sa alitan sa politika at mas nagnanais ng matino at makataong pamumuno.

“I appreciate that the President had the humility to recognize that the recent election results reveal that our countrymen are weary of conflict and want a government focused on their needs, not distracted by the drama of politics,” saad ni Escudero.

Dagdag pa rito, ikinatuwa rin ng Senate President ang pahayag ni Marcos hinggil sa kanyang kahandaang makipagkasundo kay Bise Presidente Sara Duterte at sa pamilyang Duterte. Tinawag ito ni Escudero na isang mahalagang hakbang tungo sa muling pagbubuo ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.

“In admitting that he is open to reconciling with the Vice President and the Duterte family, he reminds us that the welfare of the Filipino people should always take precedence over personal differences and partisan disputes,” ani pa niya.

Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Escudero ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahong ito.

“Malinaw po ang mensahe ni Presidente: now is the time to build bridges, not burn them. We owe it to our people to rise above division and do better—together—for the sake of our nation.”