Calendar

Mag-asawa, anak minasaker sa Bukidnon
PATAY ang mag-asawa at anak ng mga ito makaraang paghahatawin ng maso sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga suspek nitong Miyerkules ng gabi sa Malaybalay, Bukidnon.
Nakilala ang mga biktima na sina Jovany Andohon, 50-anyos, asawang si Evangeline na 48-anyos at anak na si Ivan, 14-anyos.
Naganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mga biktima sa Barangay Managok sa nasabing probinsya.
Batay sa ulat ng pulisya, nagpapahinga sa loob ng bahay ang mag-anak nang pumasok ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagmamaso ang ulo ng mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Ang insidente ay kinumpirma ng dalawang anak ng mag-asawa na nagawang makapagtago habang ginagawa ang krimen.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon sa insidente.