PBBM President Marcos

PBBM panauhin sa Palarong Pambansa

Robert Andaya May 24, 2025
61 Views

LAOAG — Inaasahang bibigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng mga kabataan at sports sa ikauunlad ng bansa sa kanyang gagawing pagdalo sa pagbubukas ng 65th Palarong Pambansa sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS).

Makakasama ni President Marcos sa nasabing opening ceremony, na nakatakda simula 5 p.m., si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Si Diaz, na magsisilbi ding technical director ng demonstration sport na weightlifting, ang mangunguna sa Oath of Coaches and Technical Officials.

May temang “Nagkakaisang Kapuluan,” ang nasabing taunang kumpetisyon ay lalahukan ng 15,675 na mga atleta at opisyales mula sa 17 rehiyon, National Academy of Sports (NAS), Philippine Schools Overseas (PSO) at National Technical Working Group.

Ngayong taon, ang Palarong Pambansa ay itinataguyod din sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte, na pinamumunuan nina Governor Matthew M. Manotoc at Vice Governor Cecilia Araneta Marcos, at Schools Division ng Ilocos Norte,

Ayon sa panayan mula sa mga organizers, magsisimula ang ppening ceremony sa “Parada ng mga Atleta” simula 5 p.m. tampok ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang rehiyon, na pangungunahan ng drum and lyre corps at cheering squad ng mga mag-aaral sa kahabaan ng Rizal Street at Sirib Mile sa Laoag City.

Itatampok din sa programa ang pagtatanghal na “Palakasan: Tales of Filipino Strength,” na hango sa mga kwento nina Lam-ang, ang Basi Revolt, at ang pamana ng Ilokanong Olympian na si Teofilo Yldefonso, bilang pagkilala sa mayamang kultura ng Ilocos Norte at sa mga pinahahalagahang katangiang Ilocano gaya ng tapang, katatagan, at bayanihan.

Si Gerick Jhon Flores, isang batang kilala sa baseball at record-holder sa ika-11 BFA U12 Asian Baseball Championship, ang mangunguna sa panunumpa ng mga atleta.

Ang symbolic na pag-sindi ng Palarong Pambansa lightbeam ay pamumunuan ng mga tanyag na atleta mula sa mga nakaraang edisyon ng Palaro, SEA Games, at Paralympics — kabilang sina Jemmuelle James Espiritu (archery), Mark Anthony Domingo (Alathletics), Jesson Cid (decathlon), Roger Tapia (para-athletics), at Eric Ang (trap shooting).

Magbibigay-aliw din ang sikat na singer na a Angeline Quinto sa kanyang rendisyon ng makabayang awiting “Ako ay Pilipino” at “Piliin Mo ang Pilipinas.”

Magtatapos ang Palarong Pambansa 2025 sa Mayo 31.