FUEL

Presyo ng gas magmumura; diesel, gas magmamahal

Edd Reyes Jun 2, 2025
35 Views

TATAAS ng 40 sentimos kada litro ang gasolina, 30 sentimos kada litro ang diesel at bababa ang presyo ng kerosene ng ilang petroleum companies simula alas-6:01 ng umaga sa Hunyo 3.

Sa abiso ng PTT Philippines, Total Philippines, Unioil Philippines, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, ipatutupad simula alas-6:01 sa Martes ang mga bagong presyo ng petroleum products habang alas-8:01 ng umaga ang simula ng price increase ng Clean Fuel.

Ganito rin ang price adjustment na ipapatupad ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Corporation, Flying V at Seaoil Philippines pero tatapyasan nila ng katiting na 10 sentimos kada litro ang kerosene.

Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang panibagong paggalaw ng halaga ng mga produktong petrolyo bunsod ng pagsunod sa dikta ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.