QC

Halu-halong krimen masakote sa QC

30 Views

NAARESTO ng miyembro ng Quezon City Police District ang dalawang lalaki na suspek sa iba’t-ibang krimen sa Quezon City.

Naaresto ng District Intelligence Division (DID), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rossel Cejas, ang suspek na si Alyas Reggie, 43.

Ang operasyon isinagawa dakong alas-7:00 ng umaga noong Hunyo 3, 2025 sa Heizer St., Balara Filter, Brgy. Pansol, Quezon City,

Nasa kustodiya na ngayon ng Anonas Police Station 9 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, sa isa pang operasyon dakong alas-4:00 ng hapon naaresto ng mga operatiba ng Project 4 Police Station 8 si Alyas Rene, 84, na may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong illegal recruitment.