Calendar

HIV iginiit na suliraning pambansa, national emergency sinusulong
UMAPELA si Senadora Loren Legarda sa pamahalaan na ideklara ang HIV bilang isang pambansang emergency sa kalusugan, sa harap ng tumataas na bilang ng kaso at lumalalang panganib sa kabataang Pilipino.
Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, naitala ang average na 56 bagong kaso ng HIV araw-araw, karamihan ay kinasasangkutan ng kabataan.
“The alarming rise to 56 new cases per day… reflects a deepening public health and social crisis,” ani Legarda.
Tinukoy ng senadora ang kaso ng isang 13-anyos na batang babae sa Palawan na nahawaan ng HIV sa pamamagitan ng sexual transmission—isang malagim na paalala ng kahinaan ng kabataan sa ganitong sakit.
“This highlights the vulnerability of our children and adolescents, and the urgent need for targeted, compassionate interventions,” aniya.
Ipinaliwanag ni Legarda na ang deklarasyon ng public health emergency ay makatutulong hindi lamang sa pagmobilisa ng pondo at serbisyo, kundi maging sa pagbuwag sa mga hadlang sa voluntary testing, lalo na sa kabataang may takot o limitadong akses.
“We must expand access to free and confidential testing,” giit niya. “Our health system must be more responsive, inclusive, and built to sustain prevention, treatment, and care.”
Iginiit ni Legarda na bagama’t malaki ang epekto sa kabataan, ang HIV ay suliraning pambansa na humahaplos sa bawat pamilya at komunidad.
“Our youth deserve every opportunity to live healthy, informed, and meaningful lives,” dagdag niya.
“Let us act with empathy, courage, and a strong sense of responsibility to protect the most vulnerable among us.”
Nagpahayag din ng suporta ang mga health advocate sa panukala, binigyang-diin ang pangangailangan ng mas malawak na edukasyon, youth-centered na suporta, at testing services na ligtas, sensitibo, at hindi mapanghusga.