Kawit Pinangunahan nina Mayor Alex Advincula at Vice Mayor Homer Saquilayan ang sabayang pambansang pagtaas ng watawat sa makasaysayang Labanan sa Alapan (Heritage Park) sa Barangay Alapan 1-C bilang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan noong Huwebes, Hunyo 12, 2025. (Dennis Abrina)

Kawit sentro ng selebrasyon ng ika-127th Araw ng Kalayaan

Dennis Abrina Jun 12, 2025
235 Views

KAWIT, CAVITE–Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagtataas ng watawat sa balkonahe ng Aguinaldo Shrine sa Kaingen, Kawit, Cavite sa paggunita ng 127th Independence Day noong Hunyo 12.

Sinalubong siya ni Cavite 1st District Congressman Ramon ‘Jolo’ Revilla III at kapatid na si Vice Governor-elect Ram Revilla.

Nag-alay muna ng wreath sa puntod ni Heneral Emilio Aguinaldo si Justice Gesmundo sa likod ng bakuran nito bago umakyat sa balkonahe upang itaas ang bandera ng bansa.

Nakibahagi sa Araw ng Kalayaan ang Cavite City sa pangunguna ni Mayor Denver Chua na nilahukan ng mga kawani, guro, mag-aaral, mga pulis at militar mula Sangley Point.

Sa Imus City, pinangunahan ni Mayor Alex Advincula at Vice Mayor Homer Saquilayan ang paggunita ng Battle of Alapan.