Calendar

Probation officers nagtanim sa Bataan
NAGLUNSAD noong Martes ang Bataan Parole and Probation Office under Frances Cabuquit, probation and parole officer at Karla Alba Alfonso, probation officer, ng “nurture the nature” program sa pamamagitan ng pagtatanim ng seedlings sa mga kalbong kabundukan sa Bataan.
Kasama nila ang ka pamilya na binubuo ng mga babae at lalake na “probationaires and parolees,” ang grupo ay armado ng pala, bareta at gulok at sinalubong ang walang tigil na ulan at inakyat ang mataas at madulas na Tikip falls area sa Brgy. Reformista, Limay, Bataan
Pinangunahan ni Ms. Alfonso ang grupo na nagtanim ng humigit kumulang na 675 seedlings sa Mariveles, Nagbalayong at Morong.
Pinasalamatan din nila si Mayor Richie Jason David at ang MENRO ng Limay.
“We dubbed our tree planting initiatives as ‘nurture the nature’ since this means reducing the spread of human impact on the physical environment by not touching things that are still in their natural state,” ani Alfonso.
“We are also doing this tree planting programs during Arbor day celebration,”dagdag pa ni Ms Alfonso.