Calendar

Indian nat’l nanakawan ng higit P100K sa Bulacan
MAHIGIT P100,000 halaga ng pera, mga cellphone at motorsiklo ang nanakaw mula sa isang Indian national sa loob ng kanyang tahanan sa City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police ang biktima na si Indian national Harvinder, 45, ng Bgy. Gayagaya, CSJDM, Bulacan habang ang dalawang suspek na hindi pa nahuhuli ay sina alyas Baning, 31; at alyas “Daga”, 28, kapwa ng Bgy. Muzon South, CSJDM, Bulacan.
Sa inisyal na ulat, nagpapahinga ang biktima at isa pang Indian national sa sala ng kanilang bahay nang pumasok ang dalawang suspek sa loob at kasabay ng pagtutok ng baril ay inihayag ang holdap.
Kinuha ng mga suspek ang cash box na naglalaman ng P70,000, mga sari-saring cellphone na nagkakahalaga ng P31,000, at isang motorsiklo na nagkakahalaga ng P83,000 kasama ang lisensiya ng dayuhan sa pagmamaneho at ang orihinal na OR CR ng motorsiklo.
Matapos tumakas ang mga magnanakaw ay nagsumbong ang biktima sa San Jose del Monte City police na agad namang ikinasa ng operasyon na nauwi sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek.
Robbery at paglabag sa RA 10883 ang mga reklamong isinampa laban sa mga suspek.