Transportation Secretary Vince Dizon Transportation Secretary Vince Dizon

DOTr sinuspinde lisensya ng taxi driver dahil sa paniningil ng sobra

Jun I Legaspi Jun 16, 2025
43 Views

INUTUSAN ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagsuspinde at tuluyang pagkansela ng lisensya ng taxi driver mula sa Taxihub Transport na nahuling naniningil nang sobra sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airporty (NAIA), na naging viral sa social media.

Bukod dito, ipinag-utos din ni Dizon ang pagkansela ng prangkisa ng lahat ng 15 taxi unit ng Taxihub Transport, na natuklasang expired na simula pa noong Marso 2025.

Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking patas ang singil sa mga pasahero, inatasan ni Dizon ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsagawa ng malawakang crackdown sa mga mapang-abusong taxi sa mga paliparan at daungan sa buong bansa.

Sa viral video, makikitang naningil ang driver ng ₱1,200 para lamang sa maikling biyahe mula **NAIA Terminal 3 patungo sa Terminal 2 . Tinawag ito ni Dizon na “pang-aabuso” sa mga pasahero.

Dagdag pa rito, iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa Taxihub Transport dahil sa pagpapasada ng mga colorum na taxi. Hinimok ni Dizon ang publiko na i-report at irekord ang mga ganitong insidente upang matigil ang pananamantala sa mga commuter.