Calendar

Oducado nananawagan sa DMW, OWWA para sa paglalatag ng reintegration para sa ililikas mula Israel, Iran
NANAWAGAN si 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa paglalatag nito ng maayos na reintegration para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na ililikas pabalik ng Pilipino.
Ang panawagan ng incoming Party List Solon ay kaugnay sa banta ng kaguluhan at tensiyon sa Israel at Iran kung saan libo-libong OFWs at Overseas Filipino’s (OFs) na naninirahan sa rehiyon ang inaasahang maaapektuhan ng lumalalang sitwasyon doon.
Ikinababahala din ni Oducado na bunsod ng umiigting na tensiyon sa rehiyon. Tinatayang 30,000 na OFWs ang pinangangambahang maipit sa kaguluhan habang nasa 700 naman na mga Pilipinong rehistradong nakatira sa Iran ang maaapektuhan din.
Umaapela ang kongresista sa DMW at OWWA para maglatag ng mga contingency plans upang maisa-ayos ang kalagayan ng mga Pilipino upang mailikas sila sa mas ligtas na lugar kasabay ng pagbibigay ng mga medikal na pangangailangan.
Iminumungkahi din ni Oducado sa dalawang ahensiya ang paglalatag ng mga programa at plano upang makabalik ng maayos sa Pilipinas ang mga Pilipino sa Israel at Iran na inaasahang mawawalan ng hanap-buhay o mapuputol ang kanilang pinagkakakitaan.
Paliwanag ni Oducado na mahalaga na mabigyan ng kaunting pagkakakitaan o maliit na hanap buhay ang mga apektadong Pilipino para muli silang makapag-umpisa ng kanilang hanap buhay sa gitna ng naging epekto ng kaguluhan sa Israel at iran.
Samantala, inihayag ng mambabatas na sa pagpasok ng 20th Congress, ang isa sa mga bibigyan nito ng prioridad ay ang pagkakaloob ng libreng medical assistance para sa mga mahihirap na mamamayan kung saan ay wala silang babayaran at hindi nila kailangan pang tanawin na utang na loob sa isang politiko.