Vico

Suporta ni PBBM para sa mga OFWs ikinagalak ni Oducado

Mar Rodriguez Jun 23, 2025
102 Views

Vico1IKINAGALAK ni incoming 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado ang ibinigay na katiyakan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para matulungan at masuportahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sinabi ni Oducado na isa sa kaniyang mga adbokasiya ay ang maipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga OFWs kaya para sa kaniya isang napakagandang hakbang ang ginawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng serbisyo nito para sa Pinoy Migrant workers.

Ipinaliwanag ng baguhang kongresista na ipinapakita lamang aniya ng gobyerno na mayroon itong malasakit at pagmamahal para sa mga OFWs sa pamamagitan ng mga ikakasang inisyatiba na naglalayong mapabauti ang kalagayan ng mga OFWs.

Pagbibigay diin ni Oducado na ang mga OFWs ang itinuturing na mga bagong bayani kaya nararapat lamang na maipagkaloob ng pamahalaan ang nararapat na suporta at tulong para sa kanila lalo na ang mga OFWs naging biktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Marcos, Jr. Sa mga OFWs ang patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa pagpapabuti ng mga serbisyong magtataguyod sa kanilang karapatan at kapakanan sa gitna ng mga suliraning kinakaharap nila.

Pinapurihan naman ni Oducado ang naging programa ng pamahalaan matapos itong magpatayo ng OFW Lounge sa mga paliparan na naglalayong magkaroon ng komportableng lugar ang mga migranteng manggagawa habang naghihintay ng kanilang biyahe.

Samantala, naging nakipag-pulong si Oducado kay Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan isa sa mga natalakay sa kanilang pag-uusap ay kung paano sila magkakatulungan para maisulong ang kapakanan hindi lamang ng mga Pasigeño bagkos maging ang lahat ng mamamayan na nangangailan ng kanilang tulong.

“Ang ilan sa mga napag-usapan namin ay kung papaano kami magkakatulungan ni Mayor Vico para sa mga taga-Pasig pati natin ang lahat ng ating mga kababayan.