Calendar

Speaker Romualdez nakiramay sa pagpanaw ni ANGAT Party-list Rep. Tamayo
NAKIRAMAY si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagpanaw ni ANGAT Party-list Representative Reynaldo S. Tamayo Sr., na inilarawan nito bilang isang masipag at tahimik na lingkod-bayan na tapat sa kanyang mga nasasakupan.
“I am deeply saddened by the passing of Rep. Reynaldo Tamayo Sr. He was a quiet but committed worker in Congress. He was focused, sincere and always attentive to the needs of the people he represented,” ani Speaker Romualdez.
Kinakatawan ni Tamayo ang ANGAT Party-list na naglalayong palakasin ang agrikultura at tiyaking naibibigay nang tama ang tulong ng gobyerno sa mga magsasaka at mga komunidad sa kanayunan.
Kilala si Tamayo ng kanyang mga kasamahan bilang isang mambabatas na may paninindigan, simple, at tahimik na nagtatrabaho para mapabuti ang buhay ng mga tao sa kanayunan.
“He didn’t seek attention, but his contributions were consistent and meaningful. He pushed for programs that aimed to give people a better shot at a decent life,” dagdag pa ni Romualdez.
Ayon pa kay Romualdez, pinuno ng 306-miyembro ng Kamara de Representantes, si Tamayo ay maaalala bilang isang lingkod-bayan na tapat sa kanyang tungkulin at naglingkod nang may integridad.
“On behalf of the House, I extend my condolences to his family, loved ones and constituents. We are grateful for his service and mourn his loss,” saad ni Speaker Romualdez.